
*(anlupet ng nakapaskil na to sa may pinto ng admin building ng school namen.)
Wans apan a taym, may isang bata na gumradweyt ng kinder, balidik ang loko. He wants to be a doctor pa nga daw, at naka costume pa ng BigBadWolf (sa mini play nila na LiL Red Riding Hood) maski maliit sya.
Six years later, gumradweyt ulit yung batang to. Balidik ulit ang loko sa Mababang Paaralan ng Sipsipin pa rin. Naala ko pa yung kinanta nya na “parang kaylan lang, ang mga pangarap ko’y kayhirap abutin, dahil sa…” (-sing-) na wala sa tono.
And then, nasa Hayskul na sya, at gumradweyt ulit. Kaso sa pagkakataong ito, hindi na sya balidik, kundi 3rd placer na lamang. And he live, happily ever after, somehow.
Simula nun ay di ko na binigyan ng big deal ang matataas na grade. Nasa college na ako at hindi man lang sumagi sa isip ko nung kahit nung hayskul pa ako na maging isang ‘cum laude’ . Basta pumasa lang, ay okey na sa akin. Ang mahalaga naman ay ang natutunan ko, hindi ang grades ko. At yun ang pinangHawakan ko.
Kaya naging tamad ako. Naging asa sa mga kaKlase. Sa kopyahan, sa leakage, sa kopyahan ulit. Pero nakasurvive pa din, nakalusot sa “Retention Exam” at naging 3rd yr ECE student, at scholar pa din ni Gob. Ynares (RCSF).
*nagawa pang magyabang ng lOko. (^^,) \pagbigyan.*
Pero ang lahat ay nagbago ng napakabilis, pero kung titignan sa kalendaryo, madaming buwan din pala.
Prelim 4.2, Midterm 3.3, what da?! Electronics. San ko napulot yang grades ko na yan? Di ko alam. Hahah. Ok. Papasa pa ako kung makaka 1.5 ako sa Final grade, na napakahirap. Engineering Mechanics. Bakit?!! Removal. Bagsak pa din. Waa!!
Ian, anong nangyayare sa ‘yo?
*teka teka. Kuha ako tissue. (*,*)
Ang sagot ay hindi ko din alam. Pero alam ko na ang gagawin ko. May nagtanong sa akin,
“Ian, anong pangarap mo?”
sagot ko. Wala. E bakit daw ako nag aaral? Sabi ko naman, “dahil yun ang normal. Kasi pangarap ng magulang ko na maging engineer ako, hindi akin. Kaya wala.”
“e bakit ka may gf?”
“kasi gusto ko maging masaya”
“ayun!!”
__
Yung Electronics ko natanggap ko na kagad yun. Simula palang ng finals yun. Na kahit na ulitin ko ang subject na yun, ok lang, basta matuto lang ako. Aminado kasi ako na wala ako masyadong natutunan (naleyt kase yung libro ko.XD), na kahit mag isa lang akong bagsak dito, okey lang sa akin. Kaya nga hindi ko na ihiniling na kaawaan ako ni prop para pumasa. Ang mahirap lang ng pabahagya ay yung fact na maiiwan ako ng mga kasabay ko, pero, whatever. Ok lang.
Engineering Science. Mechanics (Statics). Ang dame ko natutunan dito! Talaga lang ambaba ng midterm ko. Kaya sa pag uulit ko nito, pasa na ako dito. Masteral na kumbaga. Naging careless lang siguro ako. Enjoy ko nga ang maganalyze muna bago magsolve. Dale ka na sa aken sa muli nating pag haharap. Di ko kase agad nakita ang PANGANIB ng subject na to.
Yun lang namang dalawa ang bagsak ko. First time ko to. Iyak ako! Hahah. Kaya ayun 3 na lang ang subject ko ngayong sem. Makakapag pokus na ng matindi sa, *OOPS! Hindi sa dota nor gf.XD* mga subjects. (^^,)
Una ko ng nilapit ito kay mama, hindi naman sya nagalit sa akin, yung mga sinabi nya, nagpagaan ng loob ko. Kaya fight pa din ako! Kay papa naman, si mama na daw ang bahala. Whew.(o.O)
Mahirap naman daw kasi talaga ang Engineering (may dahilan?XD.Haha). Ito na siguro ang turning point ko. Sa pangyayaring ito na magbabago sa akin. Ano nga ba ang dapat baguhin?
Basta ang sure ko, di na ako babalik sa scholarship office sa Antipolo (once pa lang ako nakapunta, kakalipat lang kasi from Capitol – Pasig).
Parang ang gaan pa kasi, madami kami. Hahah. Nadadaan na lang sa biruan para di madown. Time machine nga daw, babalik sana, at babaguhin ang mga pagkakamali, mga pagwawalang bahala sa pag aaral, kaso wala nun eh. Ang kaya ko nalang kontrolin ay ang mangyayari sa hinaharap.